Characters:
Narrator (Nasa metaphysical plane. Kumakausap sa audience)
Chiqui (Bruskong babae, naka long-sleeved checkered polo shirt, naka pony tail ang buhok)
Ben (Happy-go-lucky na kaibigan ni Chiqui)
Manoy (Matipuno at guapong romantiko, kaibigan din ni Chiqui)
Setting:
Chiqui’s garage
Left wing: Gate from street (not visible to audience)
Right wing: Entrance to living room (not visible to audience)
Props:
Mesa (nasa stage center)
Tatlong upuan
Bouquet
Backpack
Dalawang cellphone
T-shirt
Bote ng alak at mga shot glass na nakalagay na sa mesa
Synopsis:
Maikling kuwento ng tatlong magkaibigang nag-inuman isang gabi upang pag-usapan ang problema sa pag-ibig. Dalawa sa tatlong magkaibigang ito ay may linilihim sa isa't isa. Ano kaya ang mga lihim na ito? Magkaka-alaman kaya bago pa man matapos ang gabi?
-CURTAIN-
Narrator: “Ang sabi nga nila…,” “ang sabi nga nila…,” Bakit lagi na lang “ang sabi nga nila”? Bakit hindi puedeng “Ang sabi ko?” Bakit pag tayo ang nagsabi, hindi impressive? Walang wisdom! Parang inubos na ng mga ninuno natin ang mga kasabihan tungkol sa pag-ibig, sa buhay, sa lahat na lang. Parang hindi ako makapayag. I'm sure, may mga butil ng aral sa bawat karanasan natin kahit gano pa ito ka modern. Hindi kelangang malalim na Tagalog para maging wise at impressive. Diba? Pues, tunghayan natin ang mga kaibigan nating naisipang mag-inuman sa garahe isang gabi at ang mga ishe-share nilang modern day nuggets of learning. Odiba? Nagsimula ito kay Chiqui na may pinag-iisipang malalim pa sa bangin...
(Enter Chiqui naglalakad hawak ang cellphone. Nandun pa rin ang Narrator, lumiligid lang sa background)
Narrator: ...compose, delete, compose, delete. Ano kaya itong gustong i-send na message ni Chiqui pero nagdadalawang isip pa?
(Nakatitig sa cellphone si Chiqui, umupo, tumayo, umupo ulit)
Narrator: Compose, delete, compose, delete. Sa kakaisip ay nawala sa isip ang iniisip. Kahit ayaw talaga, SEND ang napindot niya! "Message sent!" (Exit Narrator)
Chiqui: Fuck! Tanga! Aaaargh.
(Biglang may kumalampag sa gate)
Chiqui: Sandali lang
(Bumibilis at lumalakas ang pagkalampag)
Chiqui: Sandale! Naknampucha naman! Sino ba yan?
Ben: Si Ben to.
Chiqui: (habang binubuksan ang gate) Ikaw lang?
Ben: Aba, parang disappointed ka. Susunod daw si Manoy.
Chiqui: OK. O asan ‘yung ice?
Ben: Ah…(halatang nakalimutan, ngumisi lang)
Chiqui: Susmiyo Ben! Hindi ka na nagbago!
Ben: Cool ka lang! Meron ka ba ngayon?
Chiqui: Inamo! Tigil-tigilan mo ko. Tuliin kita diyan eh. Wala na tayong mabibilhan ng yelo ngayon. (sabay abot ng cellphone)
Ben: O, bat ang sungit mo? (sumisilip sa cellphone) Problemang babae na naman ba yan?
Chiqui: Ndi tol. Wag ka nga makialam. (linayo ang cellphone kay Ben) Tinetext ko si Manoy. Baka puede pa siya bumili ng yelo. Tsaka gabi ni Manoy to. Focus, Bentot, focus!
(May kumalampag ng gate)
Ben: Speaking of the devil.
Chiqui: Ayan, too late! (tumayo para buksan ang gate, kinamayan si Manoy) O, musta tol?
Manoy: (May dalang mga bulaklak, derederecho maglakad papuntang sala) Eto, roller coaster ang utak. May garapon ba kayo diyan? Palagay naman nitong mga bulaklak.
Chiqui: Ah, sige, hanap ka lang diyan. Para kanino ba yan?
Manoy: (nasa right wing at boses lang ang dinig ng audience) Ha?
Chiqui: (pasigaw) Para kanino ba yan?
Manoy: (habang pabalik ng garahe) Di kita marinig tol!
Chiqui: Sabi ko peram naman ng cellphone, tawagan natin si Manang Selya. Pabili tayo ng yelo.
Manoy: (binaba ang bag sa la mesa, binuksan at hinalungkat, kinapa ang mga bulsa) Ay shit, parang naiwan ko yata sa taxi. Teka, toka ni Ben yung yelo diba? (saktong may nakuhang t-shirt sa loob ng bag)
Chiqui: Sus, ano pa bang bago?
Manoy: (binato ang hawak na t-shirt kay Ben) Sige mag-ayos na kayo diyan, hanapin ko lang dito yung phone ko.
Chiqui: Gusto mo pa-ring ko?
Manoy: Naka-silent eh.
Ben: Wag na tayo mag yelo para puro! Parepareho naman tayong lalake dito, no offense Chiqui
(Nag fuck you sign si Chiqui kay Ben)
Manoy: Lakas din ng trip mo ah! (binaba ang bag sa sahig)
Chiqui: Sige sige. Solid yan! Tagay ka na Ben. (Sinilip kung saan binaba ni Manoy ang bag)
Manoy: O, ice-less tagay para kay Ben! (toast)
Chiqui: Haha, ice-less tagay para kay Manoy! (toast)
Ben: Ice-less tagay, para kay Chiqui na gusto nang magka-manoy (toast)
Chiqui: Pakyu! (sabay batok kay Ben)
(Tumawa lahat at sabay sabay uminom. Mula sa puntong ito, lahat ay tagay lang nang tagay tuwing may pagkakataon)
Chiqui: O, Manoy, nahanap mo na yung phone mo?
Ben: Kalimutan na muna natin yang cellphone na yan! Manoy, simulan mo na. Ano ba nangyari?
Manoy: (buntong hininga) Si Darla kasi -
Ben: ANAK NG PUTA SI DARLA NA NAMAN!!! (sabay tayo)
Chiqui: (Tumayo rin at kinakalma si Ben) Chill lang. Chill. May problema yung tao. (harap kay Manoy) Manoy naman kasi. Kelan ba matatapos yang never ending story mo kay Darla? Panahon pa ng dinosaurs yan ah!
Manoy: (Tumayo din) Tsk, sabi na nga ba hindi kayo ang dapat pinuntahan ko.
Ben: (Pinigilan si Manoy) Tol tol, sorry. Sige na. Kaibigan ka namin, tutulungan ka namin. Ano bang advice ang kailangan mo?
(Umupo ang lahat)
Manoy: Si Darla kasi (tingin kay Ben na hindi kumibo) gusto ko nang iwan.
(Tahimik at walang gumagalaw)
Ben: (parang robot ang tono at halatang hindi interesado) Bakit gusto mo nang iwan, may iba ba? Nagsawa ka na ba? Pang-ilang beses mo na bang iniwan? Baka naman…(sumingit si Chiqui)
Chiqui: Ben! (harap kay Manoy) Totoo naman kasi, paulit ulit na lang.
Manoy: Hindi Chiqui, kakaiba to ngayon, parang…ewan ko nga eh. Basta iba nararamdaman ko. Parang nung college pa tayo.
Ben: (napa derecho ng upo) Nung college pa tayo? Eh nung college pa tayo etong si Chiqui ang linigawan mo ah. Halata naman kung bakit ka binasted, magpipilit ka pa? Wala na ngang butas tutusukin mo pa? E baka bugbugin ka lang niyan ah.
Chiqui: (nakangiti at natatawa habang nagsasalita) Tangina naman Ben, patapusin mo naman yung tao. (harap kay Manoy) Ano, liligawan mo ba ko? (naka astang bubugbugin)
Manoy: (nakatingin lang kay Chiqui at walang kibo)
Chiqui: (natauhan, sumandal) Sorry. Sorry. Tapos…parang nung college…
Manoy: Nung college kasi tayo ibang iba ang tingin ko sa mundo. Parang walang drama. Puro learning experience, puro bagong concepts, puro…basta walang drama. Puro kasi siya drama eh. Gusto ko nga siya sabihan nung isang araw. Eh ayaw ko na nga sayo eh, wag ka na magdrama! Siya nga ayaw niya sakin, nagdrama ba ako? (tinutukoy si Chiqui)
Chiqui: Intindihin mo na lang yung babae. Matagal-tagal din naging kayo. Konting time lang! Ang syota, parang mga relo lang yan. Pare-pareho ang silbi sa buhay, pare-pareho ang pinapaluputan, pare-pareho ang sinasabi. Pag pinalitan, nakakapanibago. Pero ilang araw lang, masasanay ka na ulit.
Ben: Wow tol! Ang lakas ng tama mo. Naka ilang tagay ka pa lang ah.
Chiqui: Ulol. Wala kong tama. Praktikal lang!
Ben: Ang problema nga, wala pang bagong relo itong si Manoy. Ano ba kasing pumasok sa kukote mo? Naalala mo lang yung college days natin, gusto mo na makipag break?
Manoy: Hinahanap-hanap ko lang yung learning. Marami naman akong natutunan kay Darla at sa relasyon namin. Pero parang hanggang dun na lang eh. Parang wala nang patutunguhan. Wala nang growth. Sa dami ng pinagdaanan namin, parang expert na ko sa relasyon.
Ben: Ay naku, sinasabi ko sayo, kahit magka PhD ka pa sa pag-ibig, tuwing may mapupusuan ka, balik ka palagi ng grade one.
Manoy: Ibahin mo naman ako Ben. Sa batch natin, ako lang ang may relasyong tumagal. Kay Darla pa! Accomplishment yun ha! The whole time, hindi ako nangaliwa. Sige, sinong kilala mo ang tumagal ng sampung taon at malinis ang record?
Chiqui: So feeling mo unique ka? Well sorry, lahat tayo feeling unique, at natural lang yun. Kung tutuusin, bigas tayo na bawat butil ay unique pag kinilatis. Pero pag nasa rice cooker na, di mo na makita ang pinagkaiba. Lalo na kayong mga lalake. Ang style niyo parang gulay na nakalimutan sa ref. Iba-ibang hugis, iba-ibang kulay, pati lasa iba-iba. Pero karamihan naman, bulok na!
Ben: Whoa, teka teka, ang sama ng loob mo ah! Parang based on experience yan ah. Wag ka naman mag generalize. Iba-iba naman ang mga lalaki. Tao rin kami. Ganiyan talaga ang tao, parang pasahero ng MRT. May mabango, may mabaho, may masungit, may nagpapaupo. May ilang matitipuan mo. May ilan naman, nanakawan ka. At imposible kilalanin lahat dahil yung iba, Cubao pa lang bumababa na.
Chiqui: Anong oras ka ba sumakay? Baka naman rush hour kaya diverse. Ako kasi sumakay ako, last trip na, kaya ang naabutan ko, puro manyak.
Ben: Eh ano naman? Sa itsura mong yan ba natatakot kang manyakin ka nila? Takot lang nila sa kamao mo.
(Sinuntok ni Chiqui sa balikat si Ben)
Ben: O, Manoy. Ano na bang plano mo kay Darla?
Manoy: Wala na yun. Actually, may gusto akong ligawan na matagal ko nang kilala. Solid to pare!
Ben: Ang tigas mo rin pre! Akala ko mabibilib na ko sayo. May learning experience ka pang nalalaman tapos babae rin pala ang hahantungan!
Manoy: Ben, iba to. Seryoso to. Gusto ko talaga siyang ligawan.
Ben: Sana para sa tamang dahilan. Mahal mo ba siya?
Chiqui: Magiging masaya ka ba sa kaniya?
Manoy: Pagmamahal? Saya? Hindi yun yun eh. Oo, mahal ko siya. Oo, masaya ko pag kasama ko siya. Pero bukod dun, may kakayahan siyang ipaintindi sa kin kung bakit kailangang mahirapan at masaktan. Mas masarap ang gising ko tuwing umaga dahil sa kaniya. Siya lang ang kayang magpadama sakin nun. Kaya ko siya liligawan. Dahil dun.
(Katahimikan…halatang nakarami na ng alak si Manoy. Maya maya’y nakatulog siya sa la mesa)
Chiqui: Ayun. Bagsak! Lipat na natin to sa sofa (tumayo).
Ben: (Tumayo din) Ako na Chiqui. Ayusin mo na lang yung mga gamit niya.
(Binuhat ni Ben si Manoy papasok sa sala. Sumisilip silip si Chiqui kung malayo na si Ben. Maya maya'y mabilis na inabot ni Chiqui ang bag ni Manoy at hinalungkat hangga’t nakita ang cellphone. Kinalikot ito tila may hinahanap. Enter Narrator)
Narrator: Ano kaya ang agenda ni Chiqui? Ano ang pakay sa cellphone ni Manoy? Ano ito’t may hinahanap? Ano ito’t may binuburang message? Anong kababalaghan ito?
(Exit Narrator. Nakaupo pa rin si Chiqui pagkatapos burahin ang message. Nagbuntong hininga (relieved) binalik ang cellphone ni Manoy sa bag. Tulala. Nagtanggal ng long sleeves na polo at makikitang naka tank top sa loob. Maganda ang hubog ng katawan. Naglugay ng mahabang buhok. Sumandal sa la mesa at unti-unting umiyak ng pigil. Mga ilang hikbi pa ay pinilit na ayusin ang sarili. Tumayo nang marinig na palabas si Ben at madaling nagpunas ng luha.)
Ben: Asan yung bag ni Manoy?
(Inabot ni Chiqui ang bag na walang imik, nakaharap na ngayon sa may pintuan papuntang sala. Kinuha ni Ben ang bag at pumasok ulit. Nakatayo lang si Chiqui at mayamaya pa’y lumabas ulit si Ben)
Ben: Nakahilata dun si Manoy ha? Ikaw na bahala diyan. Okay lang bang mauna na ‘ko?
Chiqui: Sige lang. Nasa likod na yata si Manang Selya. May tutulong naman sakin.
(Hinaplos lang ni Ben ang likod ni Chiqui at umalis na. Sinundan ng tingin ni Chiqui na ngayon ay nakatalikod na sa pintuan papuntang sala. Tulala pa rin si Chiqui. Lumabas si Manoy na dala ang mga bulaklak. Hindi napansin ni Chiqui. Nang mahalata ni Chiqui ay unti-unti itong humarap kay Manoy na gulat pero walang imik. Tahimik at dahan dahang kinuha ni Manoy ang kamay ni Chiqui at pinahawak ang bulaklak sa kaniya. Halatang naguguluhan si Chiqui. Inayos ni Manoy ang nakalugay na buhok ni Chiqui at hinawakan ang mga kamay niya)
Manoy: Bakit mo binura yung message mo sa cellphone ko?

rondevera | 29OCT2009
Posted by: |